Hindi nakaligtas kay Manay Lolit Solis ang umano’y walang karaka-rakang paglipat ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa isang kilalang beauty brand habang nakakontrata pa umano sa isa pa.

Ito ang maanghang na intriga ng showbiz insider sa kaniyang Instagram post, Biyernes kung saan ibinalandra rin ng 75-anyos maging ang kaniyang source.

“Imagine mo na sabi ni Pinky Tobiano na madalas niya makita na nagpapa-service sa Avignon Beauty Clinic ngayon bigla na sa Belo Medical Group na siya. Sure ako na meron pa siya contract sa Avignon at hindi ito alam ni dra Vicki Belo,” ani Manay Lolit.

“Bongga si Celeste ha, hindi niya naisip na medyo unethical ang ginawa niya at puwede mag demanda ang Avignon. At puwede din na baka maging dahilan ito para mag isip ang Belo na huwag masali sa gulo kung sakali,” dagdag niya.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Basahin: Manay Lolit Solis, dinepensahan si Dr. Vicky Belo vs bashers: ‘Unfair kung huhusgahan siya’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tila palaisipan naman sa batikang showbiz columnist ang aniya’y biglaang paglipat ng beauty queen.

Dagdag na payo ni Manay Lolit sa kampo ni Celeste, dapat na ayusin ito kaagad bago pa humantong sa demandahan.

“Hindi naman siguro maganda para kay Celeste Cortesi na magkaruon ng legal problem dahil lang sa free service para sa beauty treatment or kung may financial package man hindi din maganda na para bang dahil dito kaya nagkaruon ng problema,” aniya.

“Avignon vs Belo over Celeste Cortesi, bongga ha. Belo will always be number 1 even without Celeste Cortesi, at siguro naman Avignon will also be popular in beauty service kahit walang endorser,” pagpapatuloy ni Manay Lolit.

Wala pang tugon, o reaksyon sa isyu ang Pinay representative sa Miss Universe 2022.