Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Setyembre 29, ang kakulangan ng 106,000 nursesng Pilipinas.

Ito’y sa gitna ng migrasyon ng mga health workers na naghahanap ng mas magandang oportunidad sa ibayong dagat.

“We have a shortage or a gap of around 106,000 para mapunuan natin 'yung mga facilities natin all over the country, both for public and private,” ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, sa isang pulong balitaan.

Bukod aniya sa mga naturang nurses, kulang din ang Pilipinas ng mga doktor, pharmacists, medical technologists, midwives, physical therapists at mga dentista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kasalukuyan aniya, ang DOH ay mayroong mahigit sa 2,000 unfilled plantilla positions, kabilang dito ang 624 na posisyon para sa mga nurse, 1,332 para sa midwives, at 63 para sa mga dentista.

"Kailangan po namin ang tulong niyo sa ngayon para mag-continue po ang operations ng bawat facility dito sa ating bansa," panawagan pa ni Vergeire.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Vergeire na nais nilang panatilihin ng bansa ang 7,000 annual deployment cap ng mga bagong hire na medical professionals.

“Hanggang sa kulang pa po ang produksyon ng ating bansa sa mga specific healthcare workers professions na ito, sana po 'yung deployment cap natin ay manatili lamang sa ganun,” dagdag pa niya.

Nakatakda na aniyang makipagpulong ang DOH sa Department of Migrant Workers (DMW) at sa Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa pag-aalok ng insentibo sa mga health workers upang mahikayat silang manatili sa bansa.