Nagbabala ang isang grupo ng meat importer na posibleng tumaas ang presyo ng inaangkat nilang karne ng baboy sa susunod na taon.

Idinahilan ng Meat Importers and Traders Association (MITA), hanggang sa Disyembre na lang ang bisa ng Executive Order No. 134 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2021 na nagpapababa ng taripa ng imported na karne. 

Sa naturang direktiba, mula lima hanggang 15 porsyento na lang ang taripa ng inaangkat na karne mula sa dating 30 hanggang 40 na porsyento.

Sinabi ni MITA president emeritus Jesus Cham, posibleng umabot sa₱30 ang idadagdag sa presyo ng bawat kilo ng karneng baboy pagsapit ng Enero.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Nagpapadala na umano sila ng liham kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang panawagan na palawigin pa ang paniningil ng mas mababa pang taripa dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin.

Kaugnay nito, tinututulan naman ni Pork Producers Federation of the Philippines (ProPork) Vice President Nicanor Briones ang hakbang ng MITA at sinabing kung hindi mahabol ng mga hog raisers ang mababang presyo ng inaangkat na karne ng baboy ay mapipilitanghuminto ang mga ito sa pagbababoy.

Bukod dito, inaasahang kakapusin din umano ang suplay nito sa bansa.

"Kawawa ang farmers, kawawa ang consumers. Dapat tigilan na ‘yan. Hindi na naman babalik ‘yong marami nating tumigil sa pagbababuyan dahil nakikita nila ‘yong prospect ay hindi magiging maganda. Mas hindi ‘yan makabubuti sa ating raisers. Hindimakababalik‘yong tamang suplay kung ‘yan pa rin ang gagawin ng ating president," dagdag pa nito.