Pinuri ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang pagtatayo ng bagong terminal sa Clark International Airport sa Mabalacat, Pampanga kung saan pinangunahan niya ang seremonya ng pagbubukas nito kahapon, Setyembre 28, kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/28/pbbm-fl-liza-pinangunahan-pagbubukas-ng-bagong-terminal-ng-clark-international-airport-sa-pampanga/">https://balita.net.ph/2022/09/28/pbbm-fl-liza-pinangunahan-pagbubukas-ng-bagong-terminal-ng-clark-international-airport-sa-pampanga/

"The opening of the new state-of-the-art terminal building at Clark International Airport signals to the world that the Philippines is open for business," ayon sa Facebook post ni PBBM, Setyembre 28.

"We commend everyone who made this possible, as it supports our goal of becoming a logistics hub in Asia and aids our tourism industry's recovery."

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Marcos, Jr. na kumbinsido siyang maraming mabubuksang pinto ng mga oportunidad ang bagong terminal building sa mga taga-Pampanga, at sa buong bansa.

"We joined the inauguration of the new terminal building at Clark International Airport earlier today. We are convinced that it will provide tourists, potential investors, and our OFWs with an authentic taste of Filipino hospitality and service," aniya.

Bukod kay First Lady, nakasama rin ni PBBM sina Bases and Conversion and Development Authority (BSDA) Chairman Delfin Lorenzana, Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco, Luzon International Premier Airpot Development (LIPAD) Chairman Frederick D. Go, at Director Jonathan T. Gotianun.

Larawan mula kay Noel Pabalate/Manila Bulletin

Larawan mula kay Noel Pabalate/Manila Bulletin

Larawan mula kay Noel Pabalate/Manila Bulletin