Inamin ni Heart Evangelista na sumailalim siya sa in-vitro-fertilization (IVF), batay sa panayam sa kaniya ng "L’Officiel Philippines".

Ang IVF ay isang medical procedure kung saan ang egg cell ay sumasailalim sa fertilization ng sperm na nasa isang test tube upang makabuo ng embryo. Maaari itong ilagay sa ibang uterus ng babae o surrogate mother, batay sa tinatawag na "surrogacy" kung saan ibang babae ang magsisilang ng anak, para sa ibang tao.

Ayon kay Heart, hindi madali ang kaniyang pinagdaanan.

“With IVF, they inject you with fertility hormones. It was very difficult and painful. I had three injections a day over a two-week process,” aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“After harvesting and the processes that came after, they were able to gather the perfect boy and the perfect girl.”

Magkakaroon na sana ng kambal na anak sina Heart at mister na si Senador Chiz Escudero, pero sa kasamaang-palad, hindi ito naging matagumpay.

Ito raw ang naging dahilan kung bakit napapaisip-isip si Heart, kung handa na ba siyang maging isang ina.

"It made me realize, am I ready for a child?," aniya.

“I actually have a baby boy and a baby girl waiting for me, but I’m really at this stage in my life where (I ask myself): ‘Do I want a child because I want a child?’ or ‘Do I want a child because the environment or culture dictates that I should have a child?’”

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa rin kinukumpirma ng mag-asawa kung totoo ba ang tsikang hiwalay na sila, at ang isa sa mga itinuturong dahilan daw, ay dahil sa hindi pa nila pagkakaroon ng anak.

May mga anak na si Chiz sa kaniyang unang asawa, na close din naman kay Heart. Subalit sa tagal ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. inaasahan ng mga taong nakapaligid sa kanila, na mayroon na silang sarili.

Anyway, sabi nga, wala sa posisyon ang sinuman upang kuwestyunin ang desisyon ng isang mag-asawa, o ng isang babae, kung nais ba niyang magkaroon ng anak o hindi niya nakikita ang sarili para sa mahalagang role na ito.