Maging ang mga homeless people sa Quezon City ay tinarget din ng Department of Health (DOH) para mabakunahan laban sa Covid-19.
Bilang bahagi ito ng Bakunahang Bayan specialCovid-19vaccination days na isinasagawa ngayon ng DOH hanggang sa Oktubre 1.
Nabatid na nagtungo ang DOH nitong Huwebes, sa pangunguna ni Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, sa Scout Santiago, Quezon City, upang bakunahan ang mga homeless families doon.
Siya ay sinamahan ni Metro Manila Center for Health Development Assistant Regional Director Aleli Annie Grace Sudiacal sa naturang aktibidad.
Bukod saCovid-19vaccination, inalam na rin ng DOH ang iba pang problemang pangkalusugan ng mga naturang homeless people, gaya ng malnutrisyon, at routine immunization ng mga residente laban sa iba pang karamdaman.
“This initiative is made possible in coordination with the Quezon City local government unit, non-governmental organizations, and partner agencies,” anang DOH.