BANGUED, Abra — Isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community ng lalawigang ito ang pinatay sa Abra-Ilocos Sur Road sa Brgy. Lipcan dito, noong Miyerkules, Setyembre 28.

Kinilala ang biktima na si Rudy Steward Dugmam Sayen, 38, kilala rin bilang "Estee Saway," single, residente ng Zone 4 dito at isang guro sa Suyo National High School sa Pidigan, Abra.

Sa imbestigasyon ng Bangued Municipal Police Station, papasok na sana sa paaralan ang biktima lulan ang kanyang motorsiklo, ngunit hindi niya namalayan na sinundan siya ng suspek na sakay din ng motorsiklo.

Pagdaan sa harap ng isang carwash bandang alas-7:50 ng umaga, dalawang beses na binaril ang suspek saitaas na kaliwang likod at kaliwang leeg.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company at isinugod ang biktima sa Abra Provincial Hospital, ngunit idineklara itong patay ni Dr. Louie Jon Enerva.

Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa motibo ng pagpatay at pagkakakilanlan ang suspek.

Kaugnay nito, sinabi ni BGen. Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, mariing kinondena ang pagpatay sa biktima at ipinag-utos sa pulisya na gawin ang lahat ng imbestigasyon upang makilala ang suspek.

"Kami ay nalulungkot na malaman ang tungkol sa insidente, ang mga ganitong gawain ng karahasan ay walang lugar sa ating lipunan, kinukundena namin sa pinakamalakas na mga termino ang pagpatay sa biktima. Ipinapadala rin namin ang aming malalim na pakikiramay sa pamilya ng biktima, makatitiyak na ginagawa namin ang lahat. ang aming paraan para mabigyan ng hustisya ang biktima at ang kanyang pamilya," ani Bazar.

Sinabi ni Bazar, na-process na ng Provincial Forensic Unit ng Abra PPO ang crime scene at sinusuri na rin natin ang nakalap nating CCTV footage mula sa crime scene.

“Nakikiusap din ako sa publiko, lalo na sa mga may alam sa hindi magandang pangyayaring ito na lumapit at makipagtulungan sa mga imbestigador para sa agarang pagresolba ng kaso,” dagdag pa niya.

Samantala, mariin ding kinondena ngLGBT community sa Abra ang brutal na pagpatay kay Sayen.

Sa kanilang post sa social media, "Hinihingi namin ang mabilis na pagsisiyasat at hustisya sa pagpaslang na ito sa isa sa aming mga miyembro."

"Muli, binibigyang-liwanag nito, ang pagkiling, pagkapoot at kawalan ng parusa na kinakaharap ngLGBTIQA+sa kanilang pang-araw-araw na pakikibaka."

"Nananawagan kami sa mga awtoridad na ipakita ang kanilang kapangyarihan laban sa mga lumalabag sa batas na mamamayan na gumawa ng cold blood murder sa isang sibilisadong lipunan na nagtataguyod ng paggalang at dignidad sa buhay ng tao."

"Dapat nating tapusin ang mga pagpatay. Gusto natin ng hustisya ngayon," dagdag pa nila.