Viral ngayon sa social media ang 'creative' portfolio ng isang grade 12 student mula sa Cavite dahil sa mala-kabaong na disenyo nito.

Ang larawan ng portfolio ng mag-aaral na si Yokozhi Janairo, 18, ay in-upload sa Facebook ng ate niyang si Michiko at umani ng iba't ibang reaksyon sa mga netizen.

Ayon kay Michiko, ang portfolio ng kanyang kapatid ay gawa sa karton na binalutan ng puting papel. Nilagyan rin ito ng gold ribbon at handle ng tulad sa totoong kabaong.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Sa loob naman ay nilagyan ni Yokozhi ng plastic na siyang nagsilbing frame. Gayundin upang maging makatotohanan ay nilagyan rin niya ito ng puting damit sa loob.

Bukod sa kwelang hatid nito sa netizens, ikinatuwa rin ng kanyang guro ang naging gawa nito at pabirong sinabi na nakakapanindig-balahibo ang mag-check ng kanyang kabaong portfolio.

Ang nasabing portfolio ay isa sa mga pangunahing requirement ni Yokozhi sa asignaturang Physical Education.