Ibinahagi ng Angat Buhay Foundation chairperson na si dating Vice President at Atty. Leni Robredo na nakipagpulong siya kay American diplomat MaryKay L. Carlson upang pag-usapan ang napipintong partnership sa pagitan ng kaniyang non-government organization at embahada.

Niretweet sa opisyal na Twitter account ni Robredo ang tweet ni Carlson.

"Congratulations former Vice President@lenirobredo on your @Kennedy_School fellowship! Pleased to discuss @angatbuhay_ph's youth, health, and education programs, and explore opportunities for collaboration," ayon sa tweet ng American diplomat.

"Thank you, Ambassador Carlson, for a fruitful conversation. We at @angatbuhay_ph look forward to continuing our partnership with the US Embassy on our shared advocacies," saad naman ni Robredo sa kaniyang tweet nitong Setyembre 28, 2022.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

https://twitter.com/lenirobredo/status/1575023178010701824