Ang long-time diplomat at US Ambassador to the Philippines na si MaryKay L. Carlson ang pinakabagong personalidad na nagpaabot ng suporta sa Angat Buhay foundation ni dating Vice President Leni Robredo.

Ito ang tagpong ibinahagi ng envoy sa kaniyang Twitter post nitong Miyerkules, Setyembre 28 kung saan sumentro aniya ang kanilang usapan ng dating Pangalawang Pangulo sa mga programang pangkalusugan, at edukasyon, bukod sa iba pa, ng Angat Buhay.

Larawan mula Ambassador MaryKay L. Carlson/Twitter

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinasalamatan naman ni Robredo si Carlson sa naging “fruitful conversation” nila.

“We at @angatbuhay_ph look forward to continuing our partnership with the US Embassy on our shared advocacies,” saad ng chairperson.

https://twitter.com/lenirobredo/status/1575023178010701824

Binati rin ng envoy si Robredo para sa kaniyang nakatakdang fellowship sa prestihiyusong Harvard Kennedy School’s Center for Public Leadership.

Basahin: Robredo, 3 buwang magtuturo sa Harvard, pamumunuan pa rin ang Angat Buhay habang nasa US – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ngayong Oktubre nakatakdang lumipad ng Amerika si Robredo para gampanan ang bihirang oportunidad.