Mukhang excited na ang former “The Clash” season 1 runner-up ng GMA-7 na si Jong Madaliday sa updates kaugnay ng kaniyang singing career, kahit na ito ay pansamantalang naunsyami nang magpa-release siya sa pangangasiwa ng network noong 2021. 

Nasa Youtube Channel niya ang naging paliwanag niya sa rason kaya hindi na siya nagpatali sa network na pinanggalingan niya. Bagama't nawala sa mainstream ang magaling na mang-aawit mula sa Cotabato, naging busy naman si Jong sa kaniyang social media platforms upang ibahagi pa rin ang kaniyang magandang boses all over the world. Aminado naman siyang dito nagkaroon ng income mula nang maging sadsad ang kaniyang buhay dahil sa pandemya.

In fairness, masipag mag-TikTok live si Jong kaya naman nalalaman ng netizens at mga tagahanga niya ang updates tungkol sa kaniya. Sa walang tigil na buhos nga ng mga komento, halatang na-miss na ng mga tao si Jong umawit at mapanood sa TV. Walang tigil din kasi sila sa katatanong, kaka-suggest, kaka-request at kakaurirat sa mga ganap ng mahusay na mang-aawit.

Ito nga lang recent TikTok Live ni Jong habang nasa airport ng Davao going to Manila, ibinahagi niyang susubukan daw niya uling pumasok sa mainstream ng music industry at pipirma raw siya ng management contract. Sey niya, "Kasi pinapili ako kung ano ba? Anong year ba? So let's see kasi pipirma pa lang ako, sabi ko sa kaniya ita-try muna natin, siguro mga one year then kapag hindi nag-workout like I'm gonna go back to province."

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa pagsisiwalat pa ni Jong, the best daw ang bagong hahawak ng kaniyang singing career, at ito ay ang "10 Hours Studio".

Sa gitna nga ng kaniyang TikTok live ay may nakakilala sa kaniyang mga tagahanga na agad nagpa-picture sa kaniya. Masaya naman itong pinaunlakan ni Jong.

Sayang nga lang yung supposed to be raket ni Jong sa US na kakanta raw dapat siya sa isang wedding. Hindi na raw niya itinuloy kasi gusto niya sanang mag-sama ng isa pa. Natatakot daw siyang lumarga doon na mag-isa, eh wala naman daw siyang kakilala doon. Ang kaso, hindi na raw kaya ng budget ng nag-imbita na magsama pa si Jong.

Yun na!