Isa umanong sekyu o security guard ang nangholdap ng isang gasolinahan sa Cebu dahil sa desperasyon, matapos umanong hindi pasahurin ng halos tatlong buwan sa kaniyang pinapasukan.
Ayon sa press release ng Aloguinsan Police Station, sa pangunguna ni Police Lieutenant Roberto Barnido, Jr., nangyari ang panghoholdap noong Setyembre 26, bandang 12:32 ng tanghali, sa Purok 3 Brgy. Bonbon, Aloguinsan, Cebu. Nakilala ang salarin na si Reynato Joverin Sarquilla, 46, at naninirahan sa Purok 3, Bonbon, Aloguinsan, Cebu.
"According to the pump boy Raymond Padinas Pinote, there is a man riding a motorcycle pretending to be a talkative, suddenly declared a thief and immediately fired. The pump boys ran and succeeded the robber who got Php 10,000.00," ayon sa press release.
Sa pangunguna umano ng hepe ng Aloguinsan Police Station ay nasukol umano ang sekyu.
"The police quickly encountered a hot pursuit operation and found out that the suspect was a security guard of Pinamungajan District Hospital. They took it to the residence but it was not there, but at the hospital they managed to find the motorcycle parked as seen on the CCTV. The robber was caught immediately changing his locker."
"Robbery poder caught cash of Php 4,250.00, one unit of . 45 caliber pistol and two live rounds. Meanwhile, the gas station also recovered a shell of bullets and a deformed slug."
"Case caught and resolved in just under two hours. Made possible by the cooperation of the gasoline station and CCTV of the Local Government Unit."
Nasa pangangalaga umano ng Aloguinsan Custodial Facility ang suspek at kakasuhan.
Ayon sa isang ulat, ang rason umano ng suspek sa ginawang panghoholdap ay dahil hindi pa raw siya nakakatanggap ng suweldo sa kaniyang pinapasukan, sa loob ng tatlong buwang serbisyo.