Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais baguhin ni Pia Wurtzbach ang naging sagot sa unang Q&A round sa Miss Universe 2015 competition.

Pag-amin ng beauty-queen-turned actress, “aware” siyang muling mauungkat at babalikan siya ng netizens para sa naging kontrobersyal niyang sagot sa international pageant tungkol sa pagtatayo ng mga US military base sa bansa.

Matatandaang sa unang round ng Q&A sa Miss Universe, napili ni Pia ang kontrobersyal na isyu noon ukol sa pagtatayo ng US military base sa Pilipinas kung saan positibong tinanggap lang ito ng beauty queen dahil “welcoming aniya” ang mga Pilipino at sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas dahilan para makuha ang mga tradisyon nito.

“Siguro yung papalitan ko ay yung sagot ko doon sa ibang question. ‘Yung tungkol sa military bases in the Philippines,” ani Pia sa isang Q&A segment sa pinakahuling YouTube vlog.

David Licauco nagpasilip ng ball, netizens nanginig sa kilig

“Tingin ko that won’t age well. ‘Yung sinabi ko kasi na we were colonized...Kasi ngayon mas napag-uusapan na yung effects ng colonialism. In a few years, I think that answer will come back to me on Twitter,” ani Pia.

Pag-amin ng Pinay queen, “Aware ako na that could’ve been better.”

Dagdag niya, dahil nasa harap siya ng American audience noon, naging safe din siya sa pagsagot ng tanong na kargado ng politika.

“Kasi at that time, I thought it was the right answer kasi I was in front of an American audience and nung mga time na ‘yun hindi pa naman ganun ka-woke so okay lang na sabihin ‘yun,” ani Pia.

“We learn, we grow,” dagdag ng beauty queen.

Kamakailan, ipinagdiwang ni Pia ang kaniyang ika-33 kaarawan.

Si Pia ang ikatlong Pinay Miss Universe na nagbalik ng korona sa bansa matapos ang 42 taon.