Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang pagbubukas ng bagong terminal sa Clark International Airport sa Mabalacat, Pampanga ngayong Miyerkules, Setyembre 28.

Kasama ng pangulo sina Bases and Conversion and Development Authority (BSDA) Chairman Delfin Lorenzana, Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco, Luzon International Premier Airpot Development (LIPAD) Chairman Frederick D. Go, at Director Jonathan T. Gotianun.

Larawan mula kay Noel Pabalate

Larawan mula kay Noel Pabalate

Larawan mula kay Noel Pabalate

Larawan mula kay Noel Pabalate

Mapapanood ito ng Live sa mismong opisyal na Facebook page na "Bongbong Marcos".

"LIVE: Tayo ay makikiisa sa pagbubukas ng bagong terminal ng Clark International Airport sa Mabalacat, Pampanga ngayong araw. Inaasahan natin ang mas maginhawang biyahe at mas masiglang turismo dito sa ating bansa lalo na sa gitnang Luzon," ayon sa caption.

Ito raw ay effort na ma-decongest ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa National Capital Region o NCR. Ang gusali ng bagong terminal ay tinatayang may 110,000 square-meter, na kayang mag-estima ng 8 milyong pasahero kada taon, at garantisadong maayos ang mga pasilidad para sa ligtas na paglalakbay sa himpapawid.

Inaasahan ding makapagbibigay ito ng trabaho sa marami at mas mapasisigla pa ang turismo sa bansa.