Hinimok ng isang infectious disease expert ang mga pasahero ng public utility vehicles (PUVs) na magsuot pa rin ng face mask para mabawasan ang panganib na mahawaan ng Covid-19 virus.

Nagpahayag ng pagkabahala ang eksperto sa kalusugan na si Dr. Rontgene Solante kasunod ng desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagan ang mga nakatayong pasahero sa Public Utility Buses (PUBs) at Modern Public Utility Jeepneys (MPUJ) sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.

“That will always be a problem because nandoon ka sa loob na siksikan and wala na tayong distance na mataas. Tapos meron kang isa na inuubo o sinisipon lang and especially some of them are not wearing the face mask, talagang may magkakahawaan diyan,” aniya sa isang panayam sa CNN nitong Miyerkules, Setyembre 28.

Binigyang-diin ni Solante ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask sa loob ng mga PUV para maprotektahan ang sarili laban sa Covid-19.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“You just have to wear the face mask, you have to protect yourself, parang kanya-kanya na para hindi tayo mahawaan,” dagdag niya.

Batay sa LTFRBs Memorandum Circular No. 2022-070, pinapayagan nito ang mga nakatayong pasahero sa mga PUB at MPUJ na napapailalim sa mga sumusunod na kondisyon:

Para sa low entry/low floor PUBs, maximum na 15 nakatayong pasahero lang ang pinapayagan, kahit isang tao lang ang pagitan.

Para sa mga coach-type na PUB, maximum na 10 nakatayong pasahero lang ang pinapayagan, kahit isang tao lang ang pagitan.

Para sa MPUJs-Class 2, limang nakatayong pasahero lang ang pinapayagan, kahit isang tao ang pagitan

“Imposed existing policies on minimum public health protocols inside PUVs shall be strictly observed at all times,” anang LTFRB.

“Failure to comply with this MC shall be considered as a violation of the terms and conditions of their CPC (Certificate of Public Convenience), and appropriate penalties shall be imposed against the operator under the provisions of Joint Administrative Order No. 2014-01,” dagdag nito.

Analou de Vera