Ito ang viral na paalala ng doktor at content creator na si Dr. Kilimanguru sa kaniyang mahigit tatlong milyong followers sa Facebook habang ipinuntong higit pa sa pisikal na katangian ang isang tao.

“’Yung sinabihan mo ng ‘tumaba ka’ is probably doing their best to improve their lifestyle. Akala mo ba di niya alam? Aware yan! Di mo na kailangan ipamukha. Sino ka ba? Ikaw ba nutritionist niya? Doctor ka ba niya? Most importantly, hiningi niya ba opinion mo?” pagsisimula ng doktor sa pinusuang post noong Lunes, Setyembre 26.

Pagpupunto niya, “Yung mga ganyang klaseng comments kasi eh nakakawala ng motivation. Akala mo nagmomotivate ka pero sorry, hindi talaga.”

Sunod naman na nagbigay ng sitwasyon ang doktor para lalo pang ipaliwanag ang kaniyang punto.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

“Paano pag kakastart niya lang magexercise at mag diet, 2 weeks palang tas sinabihan mo na g “ANG TABA MO NAMAN”, iisipin niya na walang effect ginagawa niya at mawawalan na siya ng gana at di na siya magiging consistent DAHIL SA INSENSITIVE COMMENT MO,” aniya.

Basahin: Content creator Dr. Kilimanguru, umalma sa mga nalungkot sa ulat na single mom na si Janella – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sunod na binigyang-diin ng doktor ang higit pang bahagi ng isang tao bukod sa pisikal na katangian.

“Ang tao may pag iisip yan, may emotions yan, may story yan, may personality yan at may mga values and principles yan,” ani Dr. Kilimanguru.

“Humans are more than just their physical appearance! ☺️” pagtatapos niya.

Si Dr. Kalimanguru ay isang aktibong doktor at content creator na nagbibigay-linaw o impormasyong medikal sa ilang karaniwang paksa sa ilang usapang pangkalusugan.