Bukas si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na gawing reyalidad ang panukalang batas sa “medical marijuana” bilang pagsasaalang-alang sa mga benepisyong pang-ekonomiya sa mga lokal na nagtatanim sa rehiyon ng Cordillera.

Sa isang briefing sa panukalang 2023 budget ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sinabi ni Dela Rosa, dating Philippine National Police (PNP) chief, na napag-usapan na niya ang usapin sa direktor ng PNP regional office sa Cordilla na siya ring nag-alok ng ilang mungkahi.

“Sabi niya kami dito wala na hinto ang uprooting ng marijuana volume volume at napakarami ang lupa ng Cordillera ay very fertile for marijuana plantation, kahit anong uprooting gawin nila, after how many months mayroon na naman," ani Dela Rosa sa isang Senate hearing, Miyerkules, Setyembre 28.

“Kung ito ay exploit natin economically halimbawa maging legal medical marijuana, napakalaki source of income ng mga taga-Cordilera na kusang tumutubo dun sa kabundukan,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“So sabi niya I would suggest na malaki revenue ang kikitain ng government dito. Yung livelihood ng mga local folks ng Cordillera ay gaganda kung ito ay ma legalize natin,” pagpapatuloy ng senador.

Sinabi ni Dela Rosa na ang mungkahi ay isang "eye-opener" para sa kanya, hangga't ang paggamit ng cannabis ay para lamang sa medikal na layunin.

“So being the chairman of this (Senate) committee on (public order and) dangerous drugs, I am very supportive(sa panukala)," aniya.

Sinabi ni Dela Rosa na nakatitiyak siyang mahigpit na maipapatupad at maisasaayos ng PDEA ang paggamit ng marijuana.

"Malayo naman ang distinction medical matijuana at recreational marijuana," saad ng senador.

Hannah Torregoza