Viral at kinaaliwan ng libu-libong netizens ang kilalang nurse at content creator na si Nurse Even na kumasa na rin sa patok na “Gusto Ko Nang Mag-resign” este “Gusto Ko Nang Bumitaw” challenge.

Ang pag-aala-“Asia’s Phoenix” Morissette Amon at binagong mga salita sa patok na kanta na ikinarelate ng kapwa healthcare workers, at libu-libong netizens ang bagong offering sa brand new content ng UK-based nurse nitong Martes, Setyembre 27.

Basahin: Bardagulan nina Regine at Morissette sa ASAP, usap-usapan, trending! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Todo birit at feel na feel pa sa kaniyang live music video si Nurse Even.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Agad namang pumatok sa social media ang kabogerang parody na kasalukuyang tumabo na sa mahigit 67,000 reactions at halos 600,000 views sa loob lang ng dalawampu't dalawang oras.

As usual, katatawan at kuwelang komento ang tumadtad sa parody ng content creator.

“Ang galeeennggg kunars!😁 Lalo na Yung ‘kalaban ang pasyente, doctor, medtech, dietary, pharmacy, admitting, billing at guard,’ pasok na pasok!” na-entertained na komento ng isnag masugid na follower.

“Songwriter of the year! #TikTokAwardsPH2022!”

“You made me laugh my heart out after a hard days work Nurse Even.❤️

Ilang medical professionals naman ang todo-relate din sa viral video.

“Ang heavy niyan Nurse Even! Sorry naman sa sulat naming manok,” komento ng isang gastroenterologist.

“Oh diba. Hindi mo kalaban ang mga Physical Therapists,Nurse Even. Mababait kasi kami kaya wag kang magreresign😂Sabihin mo lang kung may low back pain ka pa, bibigyan agad ng exercise,” hirit naman ng isang PT na nakaligtas sa parody.

“Di ko nakayanan ung high notes mo kunars😂. Magiging theme song na ito ng karamihan ng mga nurses ngayon hahaha!”

“Yong katoxican ni ko kasiyahan ni doc hahahaa feels.”

Kuwelang komento rin ni Nurse Even sa sarili, “Wag nyo kong artehan. Nahit ko lahat ng notes!🎤🎙️ASIA’S PARROT🦜

Isa lang si Nurse Even sa libu-libong Pinoy netizens na kumasa sa pamatay na piyesang “Gusto Ko Nang Bumitaw” na sinulat ng award-winning songwriter at music producer na si Jonathan Manalo.

Basahin: ‘AOS ba?’ Rochelle, naki-‘Gusto Ko Nang Bumitaw’ sa bakulawan nina Regine, Mori sa ASAP – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid