Hindi nakalusot kay Senador Risa Hontiveros ang mga ulat na aabot na 400 na estudyante ang hindi nakatanggap ng kanilang educational subsidy.
"Almost 400 students have sent complaints to my office that they have NOT received their education subsidy," ani Hontiveros.
Dagdag pa niya na may mga umano'y 'ghost scholars' na nakakatanggap pa ng tuition reimbursement kahit pa ay naka-graduate na.
Hiningi naman niya ang panig ng Commission on Higher Education na paglaan ito ng oras upang paimbestigahan.
"So kung hindi ang mga bata, sino ang totoong nagka-cash in? Seryosong alegasyon ito na kailangan imbestigahan ng CHED," anang senadora.
Kinuwestiyon rin ng senador ang CHED kaugnay ng kanilang depektibong Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng UniFAST, CHED, at Development Bank of the Philippines (DBP) na pinag-ugatan ng pagkapaso ng isang bilyong pondo simula 2019.
Aniya, “Gusto nating imbestigahan ito para maayos ang mga problemang nakakaapekto sa maraming estudyante, hindi itigil yung programa. There is a real climate of fear among students, and we at the Senate should find out who is instigating it.”
Samantala, wala pang sagot ang CHED hinggil sa alegasyon.