BANGUED, Abra –Dalawang drug pusher na dumayo pa sa lalawigan ng Abra para magbenta ng umano'y marijuana ang nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa isang bus terminal nitong Martes, Setyembre 27.

Kinilala ang tinaguriang Street Level Individual ng illegal drugs ang nadakip na sina Alex D. Mendiola, 33, alyas Kumaw, ng Dalandan St., Las Pinas City at Nelson Ore Orong, alyas Dodong, 32, ng Barangay Kanluran Longos Zapote V. Bacoor City, Cavite.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong pirasong cling wrapped elongated roll containing marijuana dried leaves, stalks afruiting tops na may timbang na 1,000 Grams at may Standard Drug Price na P120,000.

Sa report ni Col. Cula, provincial director ng Abra Provincial Police Office, kay BGen. Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, ang dalawang suspek ay ka-transaksyon ng mga intelligence operatives, hanggang sa pumayag ang mga ito na idedeliver ang marijuana sa Bangued, Abra.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon kay Cula, dakong alas 9:30 ng gabi ng dumating sa Bangued ang bus na kanilang sinakyan mula Maynila at dito isinagawa ang buy-bust operation sa mga suspek ng magkasanib na tauhan ng Abra PPO.

Ang operation sa pagdakip sa dalawang suspek ay ginamitan ng ay Alternative Recording Device (ARD) na sinaksihan ni Marlbour Valera, Barangay Kagawad ng Calaba, Bangued, Abra at media representative.

Narekober din ng pulis ang 38 piraso ng P100 bill na boodle money; dalawang pirasong genuine P1,000 bill; isang red and black shopping bag; isang small brown envelope; tatlong pirasong Blue Water Filter Housing at isang black mobile phone.