Hindi na mapapanood ang live streaming ng "Wowowin" ni Willie Revillame sa Facebook at YouTube, upang mas tutukan at hanapin ito ng mga manonood sa bagong bukas na ALLTV.

Nagsimula ang pagtigil ng live streaming nito, Lunes ng gabi, Setyembre 26, 2022.

Ayon kay Willie, ito umano ang pasya nila ng pamunuan ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na nagpapatakbo ng ALLTV sa Channel 2. Ang transmitter na ginagamit nito ay ipinagbili na ng ABS-CBN.

"Wala tayong Facebook at YouTube ngayon kasi ang gusto namin ng AMBS management ay nakatutok kayo sa TV," ayon mismo kay Willie.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"Ang hirap manood sa cellphone kung kayo ho ay nasa biyahe."

Nagbigay rin ng update ang host hinggil sa nilulutong flagship daily noontime show at Sunday variety show ng network. Ang magiging studio umano ay sa Starmall sa Shaw Boulevard.

Magkakaroon din umano ng Saturday program ang contract news anchor nitong si Anthony "Ka Tunying" Taberna.