Usap-usapan na naman ngayon ang rapper-singer na si "Skusta Clee" o Daryl Ruiz sa tunay na buhay, matapos umanong "mabastos" ng audience habang nagpe-perform sa Hiraya Music Festival sa lalawigan ng Camarines Sur.

Tila raw may ilang tao sa audience na sumigaw ng "Boo!" sa kaniya, minura siya, at may ilan din umanong nag-middle finger.

Hindi ito ang unang beses na napaulat na nabastos ng audience si Skusta sa isang music festival. Ganito rin umano ang naranasan niya sa Aurora Music Festival sa Clark, Pampanga noong Hunyo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/11/skusta-clee-pinalitan-lyrics-ng-zebbiana-na-boo-ng-audience-sinigawan-ng-cheater-cheater/">https://balita.net.ph/2022/06/11/skusta-clee-pinalitan-lyrics-ng-zebbiana-na-boo-ng-audience-sinigawan-ng-cheater-cheater/

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipinagtanggol naman si Skusta Clee sa isang Facebook page na "Rapper sa Pinas".

"Di naman sa pinagtatanggol ko 'to . Kapag ganiyan dapat labas natin yung issue dyan. Binayaran 'yan para mag-perform hindi para bastusin n'yo. Kung di mo gusto eh di wag ka manood. Respetuhin natin ang mga artist. Talento yung binayaran diyan hindi yung kung ano man."

"Wala namang pilitan kung ayaw manuod eh. Tsaka saka ka na manghus(g)a kung hindi kap a nakakagawa ng pagkakamali at perpekto ka. Doon lang tayo sa katotohanan."

"Haha. Trabaho lang. Bayad 'yan para kumanta. Kung ayaw manood wag pumunta. Trabaho lang yun na yun," pahabaol pa nito.

Ibinahagi naman ito ni Skusta Clee sa kaniyang Facebook account at sinabi niyang hindi naman daw siya nabastos. Tila nagbanta pa ang rapper sa sinumang audience na magiging below the belt na sa kaniya at hahantong pa sa mas malalang bagay.

"Hindi ako nabastos! Saya kaya namin! Saka di uubra sa akin bastusin ako kasi may lilipad na mic sa mukha mo pag nagkataon," aniya.

Humingi naman ng tawad sa kaniya ang mga netizen, "in behalf" sa mga taong nambastos umano sa kaniya sa music festival.

"Problema kasi sa Pilipinas, kahit di ka kasali sa issue, mga nakikisali… akala mo naman may mga ambag kayo sa mga buhay nila, akala mo naman mga walang baho, intindihin n'yo mga buhay n'yo kung paano mag-grow. Di ako fan nito, pero di ko ugali mangialam ng buhay ng ibang tao yun yung pinagkaiba natin."

"RESPETO (kay) Skusta Clee!!! Bicolano ako pero isa ka talaga sa mga umangat ng rap sa Pinas saludo!"

"Bilang isang Bicolano humihingi ako ng tawad sa inasal ng aking kababayan labis na kahihiyan lamang para sa mga taga-Cam Sur ang nangyari kaya bilang isang tagahanga mo, humihingi po ako ng dispensa, nandito lang kaming tagasuporta mo idol hindi ka namin kalilimutan."

Subalit may ilan ding netizens ang nagsabing "deserve" daw niya ang nangyari sa kaniya, dahil sa ginawa raw niya sa dating karelasyong si Zeinab Harake.

"Taas-noo siyang gumawa ng mali at proud siya doon kaya taas-noo niya ring tanggapin na maraming mambabash sa kaniya."

"Hahahahahahaha!!! Nakakatawa ka admin!!! An influencer must be a good influencer!!! Kaya lumalaki ang ulo ng mga 'yan dahil sa katulad mo na nagto-tolerate!! Deserve niya ang hate na 'yan para magtanda and he needs to do SOMETHING GOOD to relieve his reputation. Gets?! Di mo ma-blame ang mga tao na nag-hate sa kaniya kasi most of them were once a fan of that artist pero binigo ng sila ng artist kaya yun!!"

"Hindi n'yo mapipigilan ang mga tao na sabihin ang gusto nila. Kapag public figure ka, obligasyon mong maging magandang halimbawa dahil isa kang inspirasyon ng mga susunod na henerasyon."

"Let him taste his own medicine, malaki na siya."