Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang panunumpa ng dating Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Lucas Purugganan Bersamin bilang bagong acting Executive Secretary ng administrasyon.
"Today we administered the oath of Former Chief Justice Lucas Purugganan Bersamin as the acting Executive Secretary of our administration," ayon sa caption ng opisyal na Facebook page ng pangulo ngayong Martes, Setyembre 27.
"He is a native of Bangued, Abra and was a bar topnotcher from the University of the East. He served as associate justice in the Court of Appeals in March 2003 before getting appointed to the Supreme Court as associate justice in 2018 and later as chief justice."
Matatandang nagbitiw sa posisyong ito si Atty. Vic Rodriguez, sa kumpirmasyon ng Malacañang noong Sabado, Setyembre 17. Ito na umano ang pinakamaikling panahon ng panunungkulan ng isang Executive Secretary sa kaniyang posisyon. Family matters ang dahilan umano ng pagbibitiw ni Rodriguez.