Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang nanguna sa sabayang ‘Nilad planting activity’ sa lungsod nitong Martes, Setyembre 27.
Ang naturang planting activity, na ginawa sa New Manila Zoo at Intramuros, ay layuning makapagtanim at paramihin pa ang halamang 'Nilad', na siyang pinagmulan ng pangalan ng Lungsod ng Maynila.
Nabatid na ang mga itinanim na halamang 'Nilad' ay nagmula pa sa Barangay Alitas sa Infanta, Quezon.
May kabuuang 140 Nilad ang itinanim sa bisinidad ng Manila Zoo habang may 70 naman ang itinanim sa paligid ng Intramuros, sa pangunguna naman ni Vice Mayor Yul Servo-Nieto.
Ang alkalde ay sinamahan sa sabayang pagtatanim nina Department of Tourism (DOT) chief Charlie Dungo, Parks and Recreation Bureau chief Pio Morabe, Barangay Captain Evelyn de Guzman, City Engineer Armand Andres, Department of Public Services (DPS) chief Kaye Nicole Amurao at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) head Zenaida Viaje.
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Lacuna ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na siyang katuwang ng lungsod sa pagtatanim, gayundin ang mga kandidato sa nalalapit na ‘Manhunt International Pageant’ na nagmula pa sa iba't-ibang panig ng mundo upang makilahok sa isang makabuluhang gawain.
“Today we will be planting NILAD, this stalky white and yellow plant, where our city was named after. It was during the precolonial period when this nilad plant grew abundantly at the southern part of the Pasig River. Believing that it is now near extinction, we should do our best to initiate and promote planting, growing and protecting more nilad in our city,” ani Lacuna sa kanyang talumpati.
Binigyang-diin din ni Lacuna ang kahalagahan ng ‘Nilad’ sa pamanang kultura ng lungsod.
“The “Nilad for Maynila” project is mutually beneficial for us as we help achieve the re-greening of our city’s coastline. Let me take this opportunity to express our appreciation to the officers and personnel of the national environmental agency with special mention to the Ecosystems Research and Development Bureau or ERDB who are helping us achieve our mission,” ayon sa alkalde.
Ang Manila o Maynila, ay mula sa salitang Nilad, isang uri ng puno ng bakawan na may puting bulaklak na tumutubo sa Pasig River, na inilalarawan ng mga mamamayan ng lugar bilang “may nilad” o kung nasaan naroon ang nilad.