Tubong United Kingdom, bagaman blessed sa tinatamasang trabaho sa kaniyang career sa Pilipinas, aminado ang young actor na si Markus Paterson na pinagsisihan niyang pumunta sa Pilipinas dahilan para maiwang mag-isa ang matanda nang ama sa UK.
Ito ang no filter na saad ng aktor sa ikatlong episode ng Boys After Dark series nang mapag-usapan ang ukol sa regrets kasama sina Jae Miranda, Gello Marquez, at Aljon Miranda at Anthonny Jennings.
“Doon talaga lahat ‘yung pangarap ko na maging piloto, maging military kagaya ng tatay ko. As in never talaga akong mangarap na maging artista, mag-aktor, mag model, [o] maging singer. As in never. Wala talaga akong balak lumipat dito,” ani Markus.
Pagpapatuloy ni Markus, naging mabilis din aniya ang mga pangyayari sa kaniyang buhay hanggang sa ma-pick-up ang lahat ng mga bisyo at depression.
“Why would I waste my mental health on something I don’t see as beneficial to me?” aniya.
Tanging ang anak na lang na si Jude ang mabigat na rason ng kaniyang patuloy na pananatili sa bansa, aniya.
“Because right now if I didn’t have Jude I’d be back to the UK already. I’d be in the Air Force or I’d be in the Army and I would be happy,” aniya.
Sunod ding kinilala ng young actor ang ginagampanan ng dating karelasyon at ina ni Jude na si Janella Salvador.
“But of course at the end of the day, I just wanna bring it back to the fact that me and Janella are good. We’re friends, we are co-parenting ‘cause obviously our priority is Jude,” saad ni Markus.
“She’s an amazing mother and I’m trying to be an amazing father. Biggest blessing of course yeah, Jude! Jude is my biggest blessing the fact that she gave it to me, I will never not love her maybe not romantically anymore but she’ll always be a huge part of my heart,” dagdag ng aktor.
Nauna nang nilinaw ng young actor na maayos ang relasyon nila ni Janella bilang co-parents ni Jude matapos ang kontrobersiyal na pahayag sa pareho ring serye.