May open letter ang lead guitarist ng Eraserheads na si Marcus Adoro para sa kaniyang anak na si Syd Hartha Chua, matapos lumutang ang isyu at akusasyon ng pang-aabuso niya rito, gayundin sa kaniyang ex-partner.

Matatandaang marami ang nasabik, lalo na ang mga "batang 80s" at "batang 90s", nang inanunsyo ng kinabibilangang banda, na magkakaroon sila ng reunion concert sa darating na Disyembre, bago matapos ang 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/19/pinakahihintay-na-eraserheads-reunion-mangyayari-sa-disyembre/">https://balita.net.ph/2022/09/19/pinakahihintay-na-eraserheads-reunion-mangyayari-sa-disyembre/

Ito na ang pinakahihintay ng maraming Eheads matapos ang matagal nang panahong di nakitang magkakasama ang sina Ely Buendia, Raymund Marasigan, Buddy Zabala at si Marcus.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa darating na Disyembre 22, tatlong araw bago ang Araw ng Pasko, magbabalik sa entablado ang tinaguriang “most influential band” ng OPM music scene.

Taong 2002 nang mag-disband ang grupo matapos ang 13 taon.

Ngunit dahil sa isyung ikinakapit umano sa gitarista, sinabi umano ni Buendia na makikipagtrabaho lamang siya kay Marcus kapag naayos nito ang problema sa pamilya.

“One of Ely’s non-negotiable conditions prior to signing (up for the concert) was precisely that Marcus resolve his issues, otherwise Ely would not work with him. This was promised by Marcus’ management, which was why we even reconsidered," pahayag ng kaniyang manager na si Diane Ventura.

Nilinaw rin ni Ventura na hindi "enabler" ng pang-aabuso si Buendia, na ipinupukol ngayon sa bokalista. Ito raw ay "categorically false" at "absurd".

"We do not condone abuse. We acknowledge the pain and suffering of the parties involved and we seek accountability," anang Ventura.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/25/ely-buendia-makikipagtrabaho-lang-daw-kay-marcus-adoro-pag-inayos-ang-isyu-sa-anak-ex-partner/">https://balita.net.ph/2022/09/25/ely-buendia-makikipagtrabaho-lang-daw-kay-marcus-adoro-pag-inayos-ang-isyu-sa-anak-ex-partner/

Kaya naman sa isang Instagram post kung saan mababasa ang pubmats ni Marcus, sinabi niyang matagal na siyang nakikipag-ugnayan sa kaniyang anak, sa pamamagitan ng manager nito, subalit hindi niya alam kung nakakarating ba rito ang mga mensahe o nababasa ba nito, kaya idinaan na lamang niya sa social media ang kaniyang nais iparating.

"I've lost contact with my daughter for years now. Recently, I've tried to reach out to her through her manager, but I'm not sure if my messages are getting through. So, I'm making this post," ani Marcus.

"Syd, san ka man, I hope you're doing well. As you already know, I'm far from perfect kaya normal if you want nothing to do with me. Sana lang magkaroon ng second chance for redemption. I'm sorry for the ruckus that I may have caused my family, the public, the sponsors, and my bandmates. Pasensya na."

"I also want to thank the people who are supporting E-Heads' art. Please continue to support the E-Heads reunion. Alay po sa ating lahat ito."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang anak ni Marcus na si Syd Chua tungkol sa open letter ng ama. Si Syd Chua ay pinasok na rin ang mundo ng pagkanta, at batay sa kaniyang latest Instagram post ay nagtungo siya sa Cebu para sa isang gig.

"Nakakainis, ang bilis ng takbo ng oras~ grrrrrrrr thank you so muchie, Cebu 🤎 iba ka talaga! sa uulitin."

Mukhang naging outlet ni Syd ang pagkanta sa lahat ng mga pinagdaraanan niya, ayon naman sa kaniyang Instagram post noong Setyembre 19, 2022.

"Kakaibang apoy yung nagbabaga sa akin tuwing dinadaan ko sa kanta lahat ng sinisigaw ng kaloob-looban ko🌪⭐️🦋 kaya salamat sa pakikinig at sa pagbahagi niyong lahat ng pagmamahal at suporta ~ isang mahigpit na virtual hug sa lahat 🤎," aniya sa caption, kalakip ang mga litrato niya habang nasa gig.

Noong 2019, nag-post sa kaniyang Facebook account si Syd at inilahad ang pang-aabusong naranasan mula sa taong tinawag niyang "Makoy".