Taos-pusong nakikiramay si Atty. Chel Diokno sa pamilya ng limang rescuers na pumanaw habang nagsasagawa ng rescue operations sa kasagsagan ng Super Typhoon Karding sa San Miguel, Bulacan noong Linggo, Setyembre 25.

 Jerson Resurreccion, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, George Agustin, at Narciso Calayag (Photo from the official Facebook page of Batang Malolos)

"Taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya at mahal sa buhay ng limang rescue workers ng lalawigan ng Bulacan na nagbuwis ng buhay para iligtas ang mga kababayan sa banta ng Bagyong Karding," saad ni Diokno sa isang tweet nitong Martes, Setyembre 27.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Saludo ako sa inyong kabayanihan, tapang at dedikasyon sa tungkulin sa harap ng panganib," dagdag pa niya.

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1574578977083387904

Ayon sa mga ulat, ipinadala ang limang biktima sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa San Miguel upang magsagawa ng rescue operations sa binahang lugar.

Kinilala ang mga biktima na sina George E. Agustin, 45, ng Ina O Este Calumpit; Troy Justin P. Agustin, 30, ng Sta. Rita, Guiguinto; Marby A. Bartolome, 36, ng Bulihan, Malolos; Jerson L. Resurreccion, 32, ng Barangay Catmon, Sta Maria; at Narciso Calayag ng Malolos City.

Nagsimula ang operasyon dakong alas-10 ng gabi noong Linggo, Setyembre 25, sa lugar na binaha ng 10 talampakang tubig.

May kabuuang 20 rescuers, kasama ang 30 scout rescuers, ang rumesponde sa lugar kabilang ang limang rescuers na nakasuot ng Bulacan rescue uniform para madaling makilala.

Bandang alas-4 ng madaling araw, nawalan ng kontak ang iba pang rescuers sa limang rescuers na nasa Barangay Camias.

Makalipas ang ilang oras, natagpuang patay ang unang biktima habang ang natitirang apat ay natuklasan bandang alas-6 ng umaga noong Lunes, Setyembre 26.

Ayon sa mga inisyal na ulat, hindi nakarating sa malalim na tubig baha ang trak na sinasakyan ng mga biktima kaya't pinili nilang gumamit umano ng bangka.

Ang mga rescuer ay may well equipped at well trained. Sinabi ng mga ulat na narinig pa nga ng ilang residente ang kanilang pagbibilang nang sabay-sabay habang minamaniobra ang bangka.

Gumuho umano ang pader ng Gulf Gasoline Station sa Barangay Camias sa isinagawang rescue operations na naging sanhi ng pag-agos ng tubig baha na naging sanhi ng pagkalunod ng mga biktima.