Inabandona ng groom sa araw ng kasal, bagaman lugmok, ay napili pa ring ituloy ng 27-anyos na bride sa United Kingdom ang ilang bahagi ng seremonya kabilang ang kaniyang wedding entrance, ceremonial photos, at maging ang bonggang wedding reception.

Hindi sinipot ng kaniya sanang groom si Kayley Stead, sa pinakahihintay niyang dream wedding noong Setyembre 15 sa Oxwich Bay Hotel sa Gower, Swansea, Wales sa United Kingdom.

Pagbabahagi ng bride, huling nakausap niya ang groom at apat na taong karelasyon na si Kalum Norton, 24 anyos, hapon ng Setyembre 13, isang araw bago ang kanilang kasal.

Dito wala aniya siyang nakitang indikasyon na hindi darating sa espesyal sanang araw ang fiancé kinabukasan.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Matapos madiskubre ang matinding bangungot, bagaman luhaan ay ‘di ito napigil na ituloy na lang ang ilang bahagi ng kasal na pinaglaanan pa niya ng kaniyang life savings na aabot sa P700,000.

Umusad ang seremonya para aniya sa selebrasyon ng “self-love” kasama ang malalapit na pamilya at kaibigan.

Itinuloy ng bride ang kaniyang wedding entrance, sana’y masayang wedding reception. Hindi rin siya iniwan ng mga kaibigang ipinagpatuloy ang mga inihandang sayaw, at game na game na naki-party ang lahat.

Neil Jones Photography

To the rescue rin ang mga groomsmen ni Kayley na kaniyang mga kaibigan, kapatid at amang 71-anyos para sa kaniyang first dance.

“We’ve tried to reach out to him, but I’ve had no response from him, no reason why. I’ve had no explanation – not that I want one now, because it’s too far along the line,”ani Kayley sa ulat ng Mirror UK kamakailan.

Ayaw rin ng 27-anyos na bride na maalala ng mga kaibigan ang araw na lugmok kaya’t pinili pa rin niyang ituloy ang mga inihandang preparasyon.

“It was an absolute shock, I had no indication he was going to do this but seeing my girls distraught as well made me want to turn the day around.

"There were so many special moments, like my wedding entrance, the sparkler walk, the first dance and punching the wedding cake. There was still happiness in the day,” pagbabahagi ni Kayley.

Matapos ang halos ilang linggo, hindi pa rin umano narinig ni Kayley ang bride, kabilang ang dahilan nito sa kaniyang hindi pagsipot sa kasal.