Pinuri ni Senador Nancy Binay ang mga mamamahayag ng ABS-CBN sa kanilang patuloy na serbisyo sa kabila ng kawalan ng prangkisa ng network. 

"May prangkisa man o wala; mapa baha o bagyo tuloy tuloy pa rin ang serbisyo sa publiko. Maraming salamat," saad ni Binay sa kanyang tweet nitong Linggo, Setyembre 25.

Kalakip ng kaniyang tweet ang isang larawan na kung saan makikita na nag-uulat sa DZMM TeleRadyo ang mga mamamahayag na sina Doris Bigornia at Alvin Elchico.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

https://twitter.com/SenatorBinay/status/1574028093995425794

Matatandaang noong 2020, tuluyang hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN matapos mag-No ang mayorya ng mga kongresista na bumoto rito.

Gayunman, patuloy na namamayagpag ang ABS-CBN lalo na sa digital platforms nito. Sa katunayan, itinuturing na “hari” ang network pagdating sa YouTube, sa buong Southeast Asia.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/09/abs-cbn-youtube-channel-hari-pa-rin-sa-buong-southeast-asia-tumabo-na-ng-higit-47b-views/

Samantala, umani naman ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang tweet ng senadora: 

"Ewan ko ba s mga ibng senators at kotongresista at bakit pinagkait ang prangkisa for ABS CBN"

"Senator, why don’t you sponsor a bill renewing the franchise of ABS CBN? It’s much better than just posting you admiration.."

"They are paid to do that"

"This is the kind of public service we deserved. Kudos to Sir Alvin, Ms. Doris and the ever reliable Sir @arielrojasPH. Thank you for your sacrifices."

"Thank you senator sana mahanap ito sa puso ng mga kongresista ang kahalagahan ng @ABSCBN@ABSCBNNews sa ganitong panahon ang paghahatid ng mga updates balita impormasyon at serbisyo para sa mga kababayan natin apektado ng sakuna hindi ang pansariling interes"

"Andaming update sa Luzon, imagine if hindi nawala ang broadcast franchise, lahat ng update even from Vis-Min, ay possible sa ABS-CBN twing may ganitong calamities. May mga gamit to broadcast, ready to broadcast updates. Wasted by selfish people. Good morning PH. Babangon today."

"At first, I was looking for DZMM in our AM radio. If ever mawalan ng electricity, may balita kami. Waley na pala. I just tuned in sa Teleradio from afternoon until evening for their special coverage. Commending everyone including their field reporters na asa path ng typhoon."

"Ewan ko ba Bakit pilit pinagkakait sa abs ang prankisa. Sino pa ang nag seserbisyo ng tapat sila pa ang binabaon ng kung sinong hudas sa mundo! Mabuhay kayo ABSCBN!!! #kapamilyaforever"

"Thank you Sen for the acknowledgement. Yes indeed, we rely on them for updates and let us know what’s happening in the country."

"Di ba nakokonsensya yung may mga pakana sa nangyari sa kanila? Ee yung mga natuwa nung napasara sila? sana safe kayo ano.. Thank you Sen. Nancy for appreciating the efforts of ABS.."

"I am not expecting this, but indeed, they are an institution that we cannot deny delivering excellent and exceptional service to our fellow citizens. Wow english, panu kaya magrreact ang mga bashers at trolls"

"Sana maibalik talaga sila. Kahit wala sila sa free to air sila pa rin ang hanap ng tao"