Saludo ang Kapamilya TV host na si Luis Manzano sa mga news crews o reporters na nagko-cover sa kasagsagan ng pananalasa ng super typhoon Karding nitong Linggo, Setyembre 25, 2022.

"God bless sa lahat ng news crew ngayon na nag cocover ng bagyo sa iba’t ibang locations ❤️ thank you sa inyo!" saad ni Luis sa kaniyang tweet, 9:20 ng gabi, sa oras na nararamdaman na ang hagupit ng super typhoon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/luckymanzano/status/1574026070931939328

Sumang-ayon naman dito ang isang netizen at pinuri ang lahat ng mga media outlet na nagbibigay-update sa mga nangyayari sa iba't ibang lokasyong hinahagupit ni Karding, lalo na sa ABS-CBN na walang prangkisa.

"Salamat sa DZMM Teleradyo kasi sila lang ang nag-cover nang live… no prangkisa, no problema… gagawa't gagawa ng paraan makapaglingkod lang sa mga mamamayan."

https://twitter.com/JennyPa48703642/status/1574055020123009024

Ngunit isang netizen naman ang nagsabing trabaho nila 'yon at bayad sila upang gawin iyon.

"Trabaho nila yun, kagaya mo binabayaran ka para mag-entertain ng tao ano kaibahan non?"

https://twitter.com/keberarick/status/1574222861476429824

Hindi na tumugon dito si Luis.

Maging ang senadora na si Sen. Nancy Binay ay sinaluduhan din ang ABS-CBN dahil kahit walang prangkisa, tuloy-tuloy pa rin ang pagseserbisyo-publiko kaugnay ng coverage sa bagyo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/26/senador-binay-sa-abs-cbn-reporters-may-prangkisa-man-o-wala-tuloy-pa-rin-ang-serbisyo/">https://balita.net.ph/2022/09/26/senador-binay-sa-abs-cbn-reporters-may-prangkisa-man-o-wala-tuloy-pa-rin-ang-serbisyo/