Viral kamakailan ang isang lalaking naka-jetpack at nagpalipat-lipat sa paglipad sa ilang high-rise building sa Saudi Arabia para maghatid ng umano'y online orders.

Ayon sa mga naunang kopya ng viral post na kumakalat online, isang deliveryman ang lalaki na gumamit ng engine para mabilis na maihatid ang order mula sa isang gusali patungo sa kalapit na iba pa.

Base sa isang ulat, hindi nakumpirma ang umano’y delivery company ng lalaki o ilan pang kaugnay na detalye sa viral video.

Gayunpaman, ipinakikita umano nito ang nauuso nang paggamit ng drones ng mga restaurant sa ibang bansa para sa mas mabilis na paghahatid ng pagkain kagaya ng patok na pizza sa pamamagitan ng engine, GPS at video cameras.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Umani naman ng nakakaaliw na mga komento ang naturang ulat sa Pinoy netizens.

“Lazada, Shoppee baka naka-jetpack na din magdeliver nyo,” birong saad ng isang Pinoy Facebook user sa ulat.

“Pa-deliver po please. Address: Tuktok ng Mt. Apo.”

“Nagpa-deliver ng Shawarma. Gusto nila yung mainit-init pa.”

Tanong naman ng isang netizen, “Then how they will take the delivery from him?”

Sa viral video, makikitang sumampa sa isang outdoor lobby ng gusali ang deliveryman kung saan makikita rin ang tila nag-aabang na parokyano.

Panahon na nga ba para sa mas advanced na delivery options? Ang sigurado sa ngayon, malawak ang posibilidad ng pinagsamang siyensiya at teknolohiya.