Dinaan na lang sa biro ni “It’s Showtime” host Vice Ganda ang biglaang pagkamatay ng kuryente sa noontime studio nitong Lunes, Setyembre 26 habang naisingit pa ang kamakailang pagbenta ng ABS-CBN sa transmitter nito sa ALLTV Network.

Habang nagpapatuloy ang “Miss Q&A: Queen of the Multibeks,” walang anu-anong nahinto ang panayam ng hosts sa isang contestant matapos ang sandaling brownout sa studio.

As usual, hindi pinalagpas ni Meme Vice na humugot ng pickup lines sa bihirang sitwasyon.

“Iba talaga ang ABS-CBN. Kung kailan paalis na ‘yung ulan, saka nawawalan ng kuryente,” agad na hirit ng host.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pag-abiso naman ng isang staff sa kanila, nagkaroon umano ng change power dahilan para sa sandaling pagkamatay ng kuryente.

“Change power kasi binenta yong transmitter kaya nag-change power. Change power so dati 110V kami, 220V na lang kami ngayon, extension pa,” dagdag na pabiro ni Meme na ikinahalakhak ng kapwa hosts na sina Jhong Hilario at Anne Curtis.

Basahin: Willie Revillame sa transmitter ng ABS-CBN: ‘Pwede naman nilang hindi ibenta ‘yan, pero ibinenta pa rin’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaan ang pagbunyag at pasasalamat kamakailan ni Willie Revillame sa pagbenta ng transmitter ng ABS-CBN sa brand new network na ALLTV.

“‘Yung antenna ng ABS, may tinidor na lang sa…” hindi pa natatapos na banat ni Meme.

Maya-maya pa, inabisuhan ang host na tapusin na ang kasalukuyang airtime ng segment para maayos muna ang linya ng kuryente sa studio.

Pagtatapos na biro ni Meme: “Nanawagan po kami sa madlang people, baka may gustong mag-donate ng kuryente.”

Matapos ang commercial break, tuloy-tuloy nang umere ang programa nang walang aberya.