Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tukuyin ang karaniwang tagal ng pananatili ng mga evacuees sa mga evacuation center sa panahon ng kalamidad.

Hiniling ni Marcos Jr. nitong Lunes kay DSWD Secretary Erwin Tulfo na gawin ito matapos hilingin ng huli sa Pangulo na magtatag ng mga evacuation center sa bawat lungsod o munisipalidad sa bansa kasunod ng pananalasa ng Bagyong Karding, na naglubog sa ilang bahagi ng Luzon.

“Pagka maganda ang panahon, may araw, nandoon pa rin po ‘yung mga evacuees dahil nasira ang bahay nila. So hindi po naka… iyong mga estudyanteng magsisiksikan sa ibang classrooms,” ani Tulfo kay Marcos.

Bilang kapalit, hiniling ni Marcos Jr. kay Tulfo na "magsagawa ng mabilis na pag-aaral kung gaano katagal bago makauwi at umalis sa mga evacuation center ang mga pamilyang may bahagyang nasirang mga tahanan gayundin ang mga ganap na nasirang bahay." Iniutos din ng Pangulo sa DSWD, pansamantala, na tiyaking maibibigay ang mga pangangailangan ng mga Karding evacuees "hanggang sa oras na para sila ay umuwi."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gayunpaman, sinabi ni Marcos Jr. na ang bansa ay "maaaring maging masuwerte sa pagkakataong ito" na ang Pilipinas ay nag-ulat ng kaunting mga kaswalti, hindi tulad noong ibang mga bagyo.

Habang may mga bumabatikos pa, naniniwala siyang handa ang gobyerno para kay Karding.

“Baka akalain mong nasobrahan na natin. There’s no such thing as overkill pagdating sa disaster. So tama ito, ilagay mo lahat sa lugar,” anang pangulo.

Joseph Pedrajas