Isang nakalululang architectural project na naglalayong magtayo ng kauna-unahang moon-shaped resort sa mundo ang iniulat kamakailan.

Sa pinakamataong siyudad ng Dubai sa United Arab Emirates (UAE) nakatakdang itayo ang “Moon Dubai,” isang 735 feet na replika ng buwan na magbubukas ng ilang luxury amenities kabilang ang luxury spa centre, lounge, events place, ‘moon shuttle’ bukod sa maraming iba pa.

Ang proyektong tinatayang $5 bilyon ang halaga ay magtatampok ng parehong “lunar colony” at “lunar surface” na may kaniya-kaniyang guaranteed unique experience.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ilulunsad din sa naturang proyekto ang ilang training facilities para sa ilang space agencies at kaugnay na mga programa.

Bukod sa mga turistang welcome sa resort, nasa 144 hanggang 300 luxury units din ang ibebenta bilang bahagi ng permanent residence program nito na tatawaging “Sky Villas.”

Ayon sa Canadian-based builders na sina Sandra Matthews at Michael Henderson, tinatayang nasa sampung milyong turista sa isang taon ang maaaring maakomoda ng resort sa oras na magbukas ito.

Tinatayang aabot sa dalawa hanggang apat na taon ang bubunuin para sa konstruksyon ng ambisyosong architectural design.

Sa ilalim ng LEED (Leadership in Energy and Environmental Design) Gold certification tatakbo ang “Moon Dubai” na parehong may 5-star at 5-diamond resort operational standard.