Sinabi ng pulisya nitong Lunes, Setyembre 26, na nasa 105 pamilya na binubuo ng 401 indibidwal ang inilikas sa Nueva Vizcaya dahil sa bagyong "Karding."

Sa ulat mula kay Nueva Vizcaya police chief Col. Dante Lubos, nananatili sila sa iba't ibang evacuation centers sa lalawigan at naipamahagi na sa kanila ang mga relief goods.

Ipinag-utos ni Lubos sa mga hepe ng municipal police na ipagpatuloy ang pagsubaybay sa lebel ng tubig partikular na sa mga lugar na apektado ng baha.

Samantala, lahat ng kalsada at tulay sa lalawigan ay madadaanan, maliban sa Malico Road sa Malico, Santa Fe papuntang Pangasinan at Antutut provincial road sa Kasibu.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Dalawang lane ang sarado sa Antutut section sa Bambang-Kasibu-Solano Road sa Kilometer 266+900 dahil sa landslide.

May mga isinagawa namang road clearing operations sa Ambaguio at Kasibu.

Sinuspinde rin ang trabaho sa public offices sa Nueva Vizcayanitong Lunes, Setyembre 26.