Kinumpirma ng state weather bureau nitong Linggo ng hapon, Setyembre 25, na nag-landfall na sa Quezon ang Super Bagyong Karding.

Ibinunyag ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang mata ni Karding ay unang nag-landfall sa paligid ng Burdeos, Quezon bandang 5:30 p.m.

PAGASA

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Samantala, sa inilabas na bulletin nitong alas-4 ng hapon, sinabi ng PAGASA na ang eyewall ng super typhoon Karding ay nakaaapekto ngayon sa Polillo Islands.

Dahil sa sama ng panahon, maaring maranasan ang patuloy na malakas na kung minsan ay malalang pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Aurora, Rizal, at hilagang bahagi ng Quezon kasama ang Polillo Islands simula Linggo ng hapon, Sept. 25 hanggang Lunes ng umaga, Setyembre 26.

Charlie Mae F. Abarca