Nakiusap ang senador na si Raffy Tulfo na igalang na lamang ang desisyon ng pamilya ni Jovelyn Galleno tungkol sa kaso nito, ayon sa kaniyang programang "Raffy Tulfo in Action".

Matatandaang nagbigay ng huling pahayag ang pamilya Galleno hinggil sa kaso ni Jovelyn matapos magtugma ang resulta ng eksaminasyong isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

Sa isang Facebook post, nagpasalamat sila sa mga sumuporta at nagdasal sa kapakanan ni Jovelyn lalo na kung buhay pa ito.

"We do appreciate na halos lahat kayo ay umaasang buhay pa sya at naiintindihan namin kung di parin ninyo ma accept na wala na si Jovelyn Galleno since kanlansay nalang ang natagpuan, but experts has a good explanation and reason bakit naging kalansay nalang ang natira," anang pamilya Galleno.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/23/pamilya-galleno-may-huling-pahayag-tungkol-sa-kaso-ni-jovelyn/">https://balita.net.ph/2022/09/23/pamilya-galleno-may-huling-pahayag-tungkol-sa-kaso-ni-jovelyn/

Hiling nila sa publiko, sana raw ay tanggapin na lamang din ng mga tao na talagang patay na si Jovelyn at sa kaniya ang mga buto at kalansay na natagpuan sa liblib na lugar. Panalangin na lamang para sa katahimikan ng kaluluwa ni Jovelyn ang kanilang hiling.

"Ang huling kahilingan nalang namin ay buksan muli natin ang ating isipin, at tanggapin ang naging resulta sa nangyare, humihingi kami ng pang-unawa sa lahat," anang pamilya Galleno.

Mensahe nila sa publiko, "This would be the last and final statement from us the Galleno Family, we're praying for y'all na magkaron narin kayo ng acceptance at samahan kami sa pabangon. Muli kami nagpapasalamat sainyo, Godbless everyone, Hindi man natin maunawaan sa ngayon bakit nangyare to, pero maniwala tayong sinamahan tayo ng Diyos simula umpisa hanggang dulo."

Samantala, sinabi naman ni Tulfo na matapos lumabas ang resulta ng polygraph test kina Joebert Valdestamon at Leobert Dasmariñas, ang dalawang suspek sa pagpatay kay Jovelyn, ipinahayag ng senador-mamamahayag na iyon na ang huling pagtulong nila sa mga ito.

Bumagsak umano sa resulta ng lie detector test si Dasmariñas at tila "nagtatago" na dahil ayaw nang magpaunlak ng panayam.

"Come on guys, patahimikin na natin 'yung mga immediate relatives, 'yung mga kamag-anak ni Jovelyn. When I say kamag-anak, I'm talking about the mom, and the siblings. Mas masakit po, yung nararamdaman nilang hapdi kaysa po sa inyo o sa atin dito," pagdidiin ni Tulfo.

"Huwag na ho nating dagdagan pa 'yung pahirap na kanilang naranasan. Ang mga kamag-anak po ni Jovelyn ay tanggap na nila 'yan po galing mismo kay Jonalyn. Tanggap na 'yung resulta na unang ipinalabas ng PNP na dible ng NBI, at maganda 'yung paliwanag ng NBI nung proseso ng pag-conduct ng DNA testing… Kung sila po mismong mga kamag-anak ay iginalang ang resulta ng NBI sa DNA testing, galangin din po natin 'di po ba?"

"Again, kung meron po talagang mga taong nasasaktan dito at talagang apektado ng todo-todo ay 'yung mother… si Jonalyn at kaniyang kapatid… Ngayon po, dahan-dahan na silang nakaka-move on."