TABUK CITY – Nahulihan ng baril ang isang retiradong miyembro ng pulisya sa isang gambling den na sinalakay ng mga tauhan ng Tabuk City Police Station, kaninang hapon, Setyembre 25 sa Sitio Mapaoay, Barangay Ipil, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang retiradong pulis na si Fernando Ciervo Polig, 74, may asawa, ng Purok 6, Barangay Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Narekober sa kanyang pag-iingat ang isang caliber 45 pistol, 12 piraso ng bala at holster. Inaalam pa ng pulisya kung ang baril ay lisensyado.

Ang iba pang nahuli sa drop ball game ay kinilalang sina Robert Bulayang Labbutan, 47, karpintero at residente ng Purok 5, Brgy Balong, Tabuk City, Kalinga; Brian Landiza Jamarolin, 34, tricycle driver at residente ng Purok 1, Brgy Cudal, Tabuk City, Kalinga; at Virgilio Padawig Buslig, 45 at residente ng Dagupan Centro, Tabuk City, Kalinga.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay Col Charles Domallig, provincial director ng Kalinga Provincial Police Office, nakatanggap ang pulisya ng report mula sa isang concerned citizen na may nagaganap na drop ball gambling sa lugar kaya agad na nagsagawa ng anti-illegal gambling operations ang mga pulis bandang alas-11:50 ng hapon.

Nakumpiska ng mga operatiba ang isang drop ball table; tatlong piraso ng drop balls; isang piraso ng P500 bills; limang piraso ng P100 bill at 22 piraso ng P20 bill.

Ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Tabuk CPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago magsampa ng kaukulang kaso.