Nakahanda na ang deployable response groups (DRGs) ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa pananalasa ng Super Bagyong Karding sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.
Sa kanilang ulat nitong Linggo, nakaposisyon na ang PCG District NCR-Central Luzon para sa posibleng rescue operations sa pananalasa ng super bagyo sa rehiyon.
Sa direktiba ni CG Comd. Hostillo Ae Cornillo, Acting Commander, Coast Guard District National Capital Region-Central Luzon (CGDNCR-CL), nagdagdag na rin ng DRG 1, 2 at 3 ang kanilang distrito kasunod ng lalopang bagsik ng bagyo nitong Linggo, Setyembre 25.
Ito’y magiging katuwang ng kasalukuyang Coast Guard Station Malacañang, Coast Guard Station Bataan at Coast Guard Station Zambales.
Isinaktibo rin ng Coast Guard District National Capital Region - Central Luzon ang ikaapat at ikalimang DRG para sa posibleng deployment sa loob ng Metro Manila.
Nauna nang iniulat ang naging paghahanda rin sa deployable response teams (DRTs) ng Coast Guard District Bicol para sa pananalanasa ng parehong bagyo habang naka-full alert status ang bawat sub-station at stations nito sa rehiyon.
Basahin: AFP, naghahanda na para sa pananalasa ni Super Typhoon Karding – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid