Muling pinaalalahanan ng Office of the Civil Defense (OCD) ang publiko sa posibleng pagkakaroon ng daluyong o storm surge sa pananalasa ng Super Bagyong Karding sa Luzon.

“Ang daluyong ng bagyo ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig na nagdudulot ng malawakang pagbaha na maaaring umabot ng ilang kilometro mula sa baybaying-dagat, depende sa hugis at taas ng alon nito,” muling pagpapaliwanag ng disaster risk reduction management agency.

“Kasabay ng malakas na pag-alon at malakas na hangin, ang storm surge ay maaaring makapinsala at tangayin ang anumang bagay na dadaanan nito,” dagdag nito.

Pinapayuhan ng mga awtoridad ang publiko ng maagang paglikas lalo na ang mga residente sa mga mabababang lugar malapit sa mga baybayin.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sa Severe Weather Bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration maaaring ma-monitor ang ilang real-time update ukol sa babala ng daluyong sa mga lugar.

Samantala, narito ang dagdag na paalala ng paghahanda ng OCD bago, habang at pagkatapos ng daluyong.

Nauna nang nagpulong ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) nitong Linggo para sa paghahanda sa maaaring pinsalang hatid ng Super Bagyong Karding,

Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang NDRRMC sa ilang member agencies at regional counterparts para sa mga pinakabagong update sa mga sitwasyon sa ground.