Nagpupuyos ang damdamin ng mga netizen sa isang viral copy ng CCTV footage kung saan makikita ang walang awang pagkakasagasa sa isang matandang babaeng street sweeper sa isang subdivision sa Parañaque City, kahapon ng Sabado ng madaling-araw, Setyembre 24, 2022.

Makikita sa video na habang nakatalikod ang matandang babae sa gilid ng isang kanto, maya-maya pa’y biglang dumating ang isang Mitsubishi AUV na walang habas na nabundol at nagulungan pa ito.

Sa halip kasi na hintuan ng driver ay iniwanan pa ang naghihingalong biktima sa gilid ng kalsada.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/24/street-sweeper-63-kritikal-matapos-mabundol-magulungan-ng-auv-sa-isang-subdivision-sa-paranaque/">https://balita.net.ph/2022/09/24/street-sweeper-63-kritikal-matapos-mabundol-magulungan-ng-auv-sa-isang-subdivision-sa-paranaque/

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nakilala ang kaawa-awang biktima na si Lola Doreen Bacus, 63 anyos, residente ng Masville sa Barangay Sucat at matagal nang nagtatrabaho bilang street sweeper sa ilalim ng community environment and natural resources office (CENRO) ng lokal na pamahalaan.

Ang viral video ay kuha ng insidente na naganap sa Aguirre Avenue, sa ekslusibong subdivision ng Barangay BF Homes.

Pagbabahagi ng isang opisyal ng barangay sa isang Facebook post, nakorner ng concerned citizens ang ‘di pinangalanang driver na tinangka pang takasan ang krimen.

“The driver was apprehended by responding police, tanods and security guards and is currently detained at the Parañaque Traffic Management Bureau for investigation. We hope the driver is punished by the full extent of the law as this will set an example to others not to take the roads for granted,” mababasa sa ulat ni Paolo Marquez, Sabado.

Samantala, pati si ABS-CBN news anchor Karen Davila ay nabagbag din ang kalooban sa insidente, kaya nanawagan na rin siya ng tulong para kay Lola Doreen.

"Sharing this as it happened at 5:30 AM today Sept 24, 2022 in our BF Homes Parañaque Community," ani Karen sa kaniyang Instagram story.

"Atrocities like this need to STOP… and the victim, Lola Doreen needs our help."

Screengrab mula sa IG/Karen Davila

Kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan si Lola Doreen na agad na isinugod sa Philippine General Hospital (PGH).