KALINGA - Nasabat ng mga awtoridad ang ₱17.2 milyong halaga ng marijuana bricks mula sa dalawang umano'y courier sa isang checkpoint sa Barangay Dangoy, Lubuagan, nitong Sabado ng gabi na kasagsagan ng paghagupit ng bagyong 'Karding.'

Sa ulat ni Kalinga Provincial Police Office (KPPO) director Col. Charles Domallig kay Police Regional Office-Cordillera chief, Brig. Gen. Mafelino Bazar, nakilala ang dalawang suspek na sina Richard Ilagan Dela Cruz, 24, college student, taga-Barangay 185, Caloocan City at Dario Orpanel Gadingan, 44, driver, at taga-Brgy. Malaria, Caloocan City.

Sa police report, nakatanggap ng intelligence report ang KPPO na nagsasabing bumibiyahe ang isang pulang kotseng may plakang ABP-4362 mula Tinglayan, Kalinga patungong Maynila, sakay ang nasabing halaga ng illegal drugs.

Dahil dito, kaagad na nagkasa ng checkpoint ang mga pulis na ikinaaresto ng dalawang suspek sa Sitio Dinakan, dakong 11:25 ng gabi.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Narekober sa sasakyan ang nasabing halaga ng illegal drugs, dalawang cellular phone, isang susi ng kotse, at kotseng ginamit ng mga suspek.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang dalawang suspek.