Sa banta ng pananalasa ng Super Bagyong Karding sa Luzon, muling nagpaalala sa mga dog at cat owners ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na siguraduhing ligtas sa sakuna maging ang mga alagang hayop.

Ito ang bilin ng animal welfare group nitong Linggo, Setyembre 25, habang muling ipinaalala ang trahedyang nadatnan sa Marikina nang malanasa ang Bagyong Ulysses sa Metro Manila kung saan isang dosenang bangkay ng aso ang nadatnang nakatali, o nakakulong sa gitna ng pagbaha.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“Unchain your dogs or unlock their cages if you are unable to evacuate with them during times of emergency or disasters,” anang PAWS.

“Ideally, never leave any of your (furry or non-furry) family members behind. But should you ever find yourself in a situation where you are unable to do so for whatever compelling reasons, please give the animals a fighting chance and set them free,” dagdag nito.

Kasalukuyang nasa Signal No. 4 ang Metro Manila.