Sinasabing ang mga guro ay "pangalawang magulang" ng mga mag-aaral kapag sila ay nasa paaralan, subalit tila naging "literal" ito pansamantala, sa isang gurong nagngangalang "Andres Basa Sequito" ng Samar State University, matapos nitong kargahin ang dala-dalang baby ng kaniyang mag-aaral upang maituon nito ang atensyon sa pagsagot sa pagsusulit.
Ibinahagi ito sa TikTok at Facebook ng isa sa mga mag-aaral niyang si "Ezza Fatima Leonor Permaci".
"He is not only imparting knowledge as a teacher, but also giving his full understanding and kindness as a second parent. 🤍
Sir Andres 'Master' Sequito everyone," aniya sa caption.
Kitang-kita naman sa video na kampante ang bata sa kaniya at hindi umiiyak.
Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita Online kay Ezza, nanawagan siyang sana raw ay matulungan ng mga netizen si Sir Andres dahil ang kaniyang misis ay dumaraan sa kidney dialysis.
"May Chronic Kidney Disease po asawa niya. At nagda-dialysis po," ani Ezza.
"Sana din po matulungan siya."
Makikita sa Facebook account mismo ni Sir Andres ang kaniyang panawagan para sa tulong pinansyal, sa pagpapagamot ng kaniyang misis.
"I am, MR. ANDRES III SEQUITO, the husband of CYRIL M. NOFIES who is diagnosed with Chronic Kidney Disease Stage 5 secondary to Hypetensive Nephrosclerosis. I am knocking to your kind hearts right now with hopes to solicit any amount for us to afford her hospital bills and recurrent medications for her treatment," ayon sa kaniyang Facebook post noong Hulyo 21, 2022.
"It has been 3 weeks and 2 days since she was hospitalized from St. Paul's to Samar Provincial Hospital, and right now she is currently admitted at EVRMC. I can't meet both ends with the expensive medicines and treatment for her dialysis plus the fact that I am not able to attend her 24/7 in the hospital since I have to find possible ways to earn financial resources for her medications."
"I can feel the exhaustion, and right now, what we are facing has cost us to suffer from being emotionally and physically drained. Slowly, I am selling my possessions since I lack potential options to afford the expenses. My wife has battled this sickness for a long time already, but I've never seen her giving up nor finding any reasons to stop fighting. We are NEVER LOSING HOPE."
"I am confident in God's plans and His provision even in the middle of lackings and dryness. And I know that God will send people who will help us and extend financial aids on our behalf."
"Whatever amount you will give is much appreciated. Your generosity means a lot to my wife and to my family."
Sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong kay Sir Andres, magsadya lamang sa kaniyang Facebook account.