Marami ang nasabik, lalo na ang mga "batang 80s" at "batang 90s", nang inanunsyo ng bandang "Eraserheads" na magkakaroon sila ng reunion concert sa darating na Disyembre, bago matapos ang 2022.

Ito na ang pinakahihintay ng maraming Eheads matapos ang matagal nang panahong di nakitang magkakasama ang sina Ely Buendia, Raymund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro.

Sa darating na Disyembre 22, tatlong araw bago ang Araw ng Pasko, magbabalik sa entablado ang tinaguriang “most influential band” ng OPM music scene.

Taong 2002 nang mag-disband ang grupo matapos ang 13 taon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/19/pinakahihintay-na-eraserheads-reunion-mangyayari-sa-disyembre/">https://balita.net.ph/2022/09/19/pinakahihintay-na-eraserheads-reunion-mangyayari-sa-disyembre/

Ngunit dahil sa isyung ikinakapit umano sa gitarista ng banda na si Marcus Adoro, kaugnay ng mga akusasyong ikinakapit sa anak nito at ex-partner, sinabi umano ni Buendia na makikipagtrabaho lamang siya kay Marcus kapag naayos nito ang problema sa pamilya.

“One of Ely’s non-negotiable conditions prior to signing (up for the concert) was precisely that Marcus resolve his issues, otherwise Ely would not work with him. This was promised by Marcus’ management, which was why we even reconsidered," pahayag ng kaniyang manager na si Diane Ventura.

Nilinaw rin ni Ventura na hindi "enabler" ng pang-aabuso si Buendia, na ipinupukol ngayon sa bokalista. Ito raw ay "categorically false" at "absurd".

"We do not condone abuse. We acknowledge the pain and suffering of the parties involved and we seek accountability," anang Ventura.