Bukod kay Karen Davila, nakaramdam din ng galit at naiyak para sa lolang nasagasaan at naabandona sa Parañaque City, ang aktres na si Nadine Lustre.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/25/karen-davila-nanawagan-ng-tulong-para-sa-lolang-street-sweeper-na-nasagasaan-sa-paranaque/">https://balita.net.ph/2022/09/25/karen-davila-nanawagan-ng-tulong-para-sa-lolang-street-sweeper-na-nasagasaan-sa-paranaque/

Niretweet ni Nadine ang tweets ng fashion designer na si Rajo Laurel, na screengrab naman mula sa IG story ni Karen Davila.

"Our justice system is so flawed we don’t even know if this issue will be handled accordingly. Naiiyak talaga ako para kay lola at sa pamilya niya," ayon sa tweet ni Nadine.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

https://twitter.com/hello_nadine/status/1573930417199382528

"Not buying the whole “unaware” bs. Mararamdaman mo naman siguro kung may nabangga ka."

Dahil triggering daw, binura ni Nadine ang kaniyang tweet na nagpapakita ng video sa pagkakasagasa lay Lola Doreen Bacus, 63. Hindi raw niya ma-explain ang kaniyang galit sa mga nangyari.

https://twitter.com/hello_nadine/status/1573933349517029378

Naghahanap din ng updates ang aktres patungkol sa driver na nakasagasa sa matandang street sweeper.