Hinarap ang fans at bumirit kahit pa sa gitna ng malakas na ulan si “Asia’s Phoenix” Morissette Amon sa naganap na Awit Awards 2022 Nominee Fest, gabi ng Biyernes.
Hindi napigilan ng malakas na buhos ng ulan ang Kapamilya singer para pasayahin ang fans sa nasabing musical event sa Venice Piazza, Mckinley Hill sa Taguig.
Sa ilang video na ibinahagi ng singer sa kaniyang social media, makikita na noong sa simula ng performance ay pinapayungan pa ang singer ng ilang production crew habang kinakanta ang “Trophy” sa kaniyang chart-topping “Signature” EP.
All-out pa rin ang energy ng singer habang bumibirit sa ulan at nakikipag-jam sa fans.
“I was so happy with all our nominations that I decided to sing in the rain! Hehe” mababasa sa social media post ng singer.
Nominado sa ilang kategorya para sa Awit Awards 2022 si Morissette kablang ang Favorite Female Artist, Favorite Group Artist kasama ang asawang si Dave Lamar para sa kanilang wedding EP na “From The Sea,” Favorite Song para sa mga kantang “Luna,” at “Up and Away,” Best Performance by a Female Recording Artist, at Best Vocal Arrangement para sa “Signature” track na “Phoenix.”
Dahil sa pasabog na performance, lalo namang hinangaan ng fans ang dedikasyon ni Morissette umulan man o umaraw.
“This real artist, the Phoenix and Queen of this generation, deserves respect and more recognitions. She never lets her fans down, rain or shine, the show must go on.SLAY!” komento ng isang fan.
“The show must go on. Grabe, I’m so proud of u lodiMorissette So pretty!”
“HEELS. SA ULAN. HABANG KUMAKANTA. RESPEEEECTTTT.”
“That's awesomeA true performer and professional. But make sure na you take care so you don't get a cold. Also, props to the umbrella people.”
“Very professional! The show must go on whether it rains or shines! Proud of you and your accomplishments!”
“That is what you call dedication to her craft and fans. Such a Mori thing”
“I like the attitude. Very professional. Bravo!!!”
Ilan din sa mga nag-perform sa naturang event ang P-pop band na BGYO, Nameless Kids, Kanishia Santos, Ace Banzuelo, Mijon at ang Boring Shampo.
Ang nominee fest ay pinangunahan ng Myx Global.