Nagpatutsada ang direktor ng pelikulang "Katips: The Movie" na si Atty. Vince Tañada tungkol sa "nilangaw" sa UN o United Nations General Assembly na ginanap sa Amerika.

Kumalat at pinag-usapan kasi sa social media ang mga kuhang litrato kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. habang nagtatalumpati. Makikita sa mga litrato na tila maraming bakanteng upuan sa loob ng malaking venue. Espekulasyon ng mga netizen, "nilayasan" umano ng mga dumalong delegado si Pangulong Marcos, dahil sa ibang mga pinuno namang nagsalita, ay puno ito ng tao.

Larawan mula sa FB

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inihambing pa ito ng mga netizen sa naging pagsasalita noon nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Pangulong Noynoy Aquino.

Kaya sey ni Tañada, "Kakasabi niyo ng nilangaw ang #KatipsTheMovie , sino ngayon ang nilangaw sa UN? At may mga resibo ah, di tulad ng fake news niyo."

"Feeling funny" ang inilagay niyang emosyon para dito.

Samantala, ibinahagi ni Atty. Vince na nagkaroon sila ng special screening sa San Beda College Alabang.

"It was a pleasure to screen #KatipsTheMovie for young students of San Beda Alabang. The post show forum was as enriching and inspiring. Maraming salamat po. #KATIPS," aniya.