Nagngangalit na netizens ang kasalukuyang tinatamo ng isang kopya ng CCTV footage kung saan makikita ang walang awang pagkabundol sa isang matandang street sweeper sa isang subdivision sa Parañaque City, Sabado.

Sa halip kasi na hintuan ng driver ay inabandona pa ang naghihingalong biktima sa gilid ng kalsada.

Sa kumakalat na CCTV footage online, makikita ang isang nakatalikod na matandang babae sa gilid ng isang kanto at maya-maya pa’y walang habas na nabundol at nagulungan ito ng isang Mitsubishi AUV.

Nakilala ang biktima na si Nanay Doreen Bacus, 63, residente ng Masville Brgy. Sucat at matagal nang street sweeper sa ilalim ng community environment and natural resources office (CENRO) ng lokal na pamahalaan.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Ang viral video ay kuha ng insidente na naganap sa Aguirre Avenue, sa ekslusibong subdivision ng Barangay BF Homes.

Pagbabahagi ng isang opisyal ng barangay sa isang Facebook post, nakorner ng concerned citizens ang ‘di pinangalanang driver na tinangka pang takasan ang krimen.

“The driver was apprehended by responding police, tanods and security guards and is currently detained at the Parañaque Traffic Management Bureau for investigation. We hope the driver is punished by the full extent of the law as this will set an example to others not to take the roads for granted,” mababasa sa ulat ni Paolo Marquez, Sabado.

Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon si Nanay Doreen na agad na isinugod sa Philippine General Hospital (PGH).

Umani naman ng galit at dismayadong komento mula sa maraming netizens ang kuha ng CCTV na kasalukuyang kumakalat online.

Maging ang transport blogger at event host na si James Deakin ay nagpahayag ng saloobin sa panibagong hit and run incident.

“Heartless and evil. This is what happens when you don’t prosecute previous offenders, like the SUVdriver in Mandaluyong. You can’t tell me this was an accident,” aniya sa isang Facebook post.

Sinegundahan din ng nagngangalit na netizens ang pahayag ng manunulat.

“Let's catch this heartless reckless driving SUV. This should be in jail for a long long time.”

“Another case of ‘nagpanic ako kaya sinagasaan ko.’ Poor street sweeper will be just another statistic.”

“For sure Under influence yan or distracted driver! Need justice to the victim!!!”

“This is really sad! I hope, the Philippines will mechanize street sweeping. It should be vehicles doing the cleaning and not humans, it’s just dangerous.”

“This is no accident but rather a heartless act. Ang laki laki ng kalsada.”

“This is unacceptable.. hopefully not just like what happened with the security guard.”

“Sana hindi matulad sa mano po presscon At makuha yung dapat na parusa sa mga taong walang Puso. Ang luwang ng daan.”

“Looks intentional. Does the SUV even have a legal plate on it?”

“This was hard to watch. I hope she gets the justice she rightfully deserves.”

Basahin: SUV driver na nag-hit-and-run sa Mandaluyong, ‘not guilty’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sinubukang kunan ng dagdag na detalye ng Balita Online ang opisyal ng barangay ngunit sa pag-uulat, wala pa itong tugon sa aming mensahe.

Samantala, para sa sa mga nais magpaabot ng tulong kay Nanay Doreen, mangyaring kontakin ang kaniyang anak na si Jade Bacus sa mga numerong 09558524279.