Humingi ng tulong sa pulisya ang pamilya ng isang public teacher sa Parañaque City, na nawawala noon pang Setyembre 21.
Nakita sa CCTV footage na lumabas ng paaralan si Amelia Montemayor, 24, high school teacher sa San Isidro High School, dakong alas-6:55 ng gabi.
Si Montemayor, residente ng Gen. Trias, Cavite, ay pansamantalang nanunuluyan sa bahay ng kanyang pinsan na si Melody Rosario, sa El Puentebello Subdivision, Fourth Estate, San Antonio, Parañaque.
Sa isang panayam sa telepono, sinabi ng kapatid ni Amelia na si Jomari na nakatanggap ang kanyang ina na si Aurelia ng text message mula sa guro na nagpaalam sa kanya na pauwi na siya.
Sinabi ni Jomari sa kanila ng kanilang pinsan kinabukasan na hindi nakauwi si Amelia mula sa eskwelahan.
Naalarma sa sitwasyon, ipinost niya sa kanyang Facebook page ang pagkawala ng kanyang ate.
Sinabi rin ng kapatid na hiniling nila sa mga awtoridad na suriin ang mga CCTV camera malapit sa paaralan. Nalaman nilang nakarating pa rin ang guro sa terminal ng tricycle para sumakay patungo sa highway kung saan siya sasakay ng pampasaherong jeep pauwi.
Sinabi ni Jomari na sinubukan nilang tawagan si Amelia sa pamamagitan ng kanyang cellular phone ngunit ito ay unattended, na nagtulak na sa kaniya upang humingi ng tulong sa pulisya.
Habang nasa police station, sinabihan aniya siya ng isang pulis na baka dinukot si Amelia.
Dagdag pa ng kapatid, habang ini-report niya ang insidente sa pulisya, tinawagan ng hindi kilalang lalaki ang mga mobile number ng kanyang ina.
Sinabi ni Jomari na ang hindi kilalang tumatawag na may cellular number na 0917548768 33 ay nagsabing nakipagtanan umano si Amelia.
Ibinunyag din niya na nagsimulang magtrabaho si Amelia sa San Isidro High School tatlong buwan lamang ang nakalipas.
Jean Fernando